Wednesday, August 31, 2005

style

pasimple:
"ang cute mo ngayon."
"ang ganda ng suot mo ngayon."
"ang blooming mo ngayon ah!"
"there's something different about you."
"mukhang ganda ng gising mo ah!"

hanggang
sabay akbay.
pag babay, may kaway.
palo sa braso.
kiliti sa bewang.
kwentong wala lang.

hanggang
lalabas lahat ng kajologan
na pinagkatagu-tago
na inilalabas lang
sa matinding pangangailangan.

style?
bulok.

stalker

alam mo ba?
*lingon sa kaliwa*
parang napapansin ko
*lingon sa kanan*
may nakatingin sa akin
*lingon sa kaliwa*
kinakabahan na ako.
*lingon sa kanan*

Tuesday, August 30, 2005

perpekto

sa isang malinis na papel
isang tuldok ng tinta
mag-iiba na ang lahat.

Monday, August 29, 2005

gitara

sa bawat tipa
kasabay ang himig
ng aking buhay

isang gabi ng kataksilan

sa misteryo ng isang
malamig na gabi,
namumuo ang
matinding
pag-aalab
ng kalamnan
na nagtatawag
ng mga
makasalanang
nilalang
upang mahigop
sa mapanuksong
damdamin.

at kapag nagpang-abot,
ang lamig ng gabi
ay maglalaho't
magiging isang
matinding
pagniniig.

sa oras ng
pagsasama, titigil
lahat ng nasa paligid
sapagkat
nagkakaisa ang
lahat:
pisikal,
spiritwal,
emosyonal.

at sa pagkakaisa,
aabot sa rurok.

pagsabog.

pinagbigyan ang
damdaming
taksil.

madaling araw

singkit na mata kong
nakikipagtagisan ng galing
sa harapan ng liwanag
ng computer.

kailan matatapos?

higaang nang-aakit
na kahit sandali
kami ay magniig.

maghimbing sa kanyang
piling.

GISING!

itigil ang tukso
dahil malayu-layo pa
bago maabot ang
inaasam-asam.

kaunting tiis pa.

buntong-hininga

hay...
hay...


hay...
hay...

Sunday, August 28, 2005

doble kara

magkaibigan
gusto ko siya
lang kami kaya
pero hindi ko pa
kami magkasama kagabi.
maamin sa sarili ko.

hulog

nasa bingit na ng
damdaming mahirap
kumawala.
nalalaglag
na unti-
unti
da
hil
di
to


buhay pa ba ako?

araw

araw na malugod
na nagbibigay-liwanag;
mahapdi sa balat.



isinulat ko ito sa aking klase sa pilosopiya bilang gawain. isa na ito sa mga pinakamahusay kong haikus na sa wikang filipino naisulat.

Saturday, August 27, 2005

pagbubukas

mahigpit na ang
pagkakasara
hirap na
hirap ko nang
buksan
ang
takip ng
garapon
kung
sa'n nakasilid
ang mga
puna
at
pagkakakilalang
hindi na
magbabago
kailanman.

ngayon,
ako pa
ang kailangang
magbigay,
magbanat
upang
mabuksan
ang takip
at hayaan na
lang.

bakit?

Wednesday, August 24, 2005

huni ng gabi

kuliglig.
asong tumatahol.
pusang kumakaluskos.
bentelador.
hilik.

kailang tatahimik
ang gabing
bumabalot
sa
akin?

meron

wala.
meron.


konsepto.
meron.


lahat
meron.

Tuesday, August 23, 2005

pagitan

di maintindihan.
init o lamig.
saya o lungkot.
gaan o bigat.
puno o ubos.
itim o puti.
tuwa o inis.

kung ihahanay
mula dulo
hanggang kabilang
dulo,

pagitan lang.
malabo pero lahat
sa pagitan.

Thursday, August 18, 2005

salamin

tahimik ngunit di payapa.
merong bumabagabag
hindi maunawaan.
ngayo'y inaalam.

bukas, paano na?

panibagong buhay

muling bubuhayin ito.
isisigaw sa mundo ang aking pagmamahal
sa wikang nakagisnan,
sa pamamagitan ng
panunulat
na aking nakahiligan.
kwento't tula.
anupamang akda.
pagsiwalat ng saloobin.
pagmumuni-muni.
pagninilay.
at higit sa lahat,
paghahayag ng aking
araw-araw na
pakikipagkaibigan at
pakikipagniig sa
Kanya.
dito isasabuhay.



kapiling mo, akong laging naghihintay
sa tanging tawag mo
pag-ibig kong ito
isang pananabik sa puso ko
sa'yong pagbabalik sa piling kong
puspos ng pagsuyo.

manahimik at makinig ka't maging akin muli.