Thursday, December 08, 2005

simoy pasko

hindi ba't malamig
ang simoy ng hanging
dala ay pag-ibig?

pasko na naman
o bakit walang laman
itong pusong nag-iisa
naghahanap ng kasama.

naiinggit sa ibang
masayang naglilibang
kasama ang minamahal

sa simoy ng amihan
paskong kay sigla
sa mga taong may mahal
bakit ganun? ako wala.