Saturday, August 27, 2005

pagbubukas

mahigpit na ang
pagkakasara
hirap na
hirap ko nang
buksan
ang
takip ng
garapon
kung
sa'n nakasilid
ang mga
puna
at
pagkakakilalang
hindi na
magbabago
kailanman.

ngayon,
ako pa
ang kailangang
magbigay,
magbanat
upang
mabuksan
ang takip
at hayaan na
lang.

bakit?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home