tulog
tulog na mailap
nasaan ka na?
hindi na kita madalas
nakakapiling.
saan ka nagpunta?
nangungulila sa'yo.
tuwing nakikita ang kama
lalo lang nalulumbay.
kainis na trabaho
pati ang tulog lumayo.
pieces of me written in the vernacular. pira-pirasong akong nakasulat sa sariling wika. akong-ako na hindi siya o ikaw. nakapinta. nakalimbag. nakaukit sa aking wika.