Monday, August 29, 2005

isang gabi ng kataksilan

sa misteryo ng isang
malamig na gabi,
namumuo ang
matinding
pag-aalab
ng kalamnan
na nagtatawag
ng mga
makasalanang
nilalang
upang mahigop
sa mapanuksong
damdamin.

at kapag nagpang-abot,
ang lamig ng gabi
ay maglalaho't
magiging isang
matinding
pagniniig.

sa oras ng
pagsasama, titigil
lahat ng nasa paligid
sapagkat
nagkakaisa ang
lahat:
pisikal,
spiritwal,
emosyonal.

at sa pagkakaisa,
aabot sa rurok.

pagsabog.

pinagbigyan ang
damdaming
taksil.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home