Monday, August 29, 2005

madaling araw

singkit na mata kong
nakikipagtagisan ng galing
sa harapan ng liwanag
ng computer.

kailan matatapos?

higaang nang-aakit
na kahit sandali
kami ay magniig.

maghimbing sa kanyang
piling.

GISING!

itigil ang tukso
dahil malayu-layo pa
bago maabot ang
inaasam-asam.

kaunting tiis pa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home