Tuesday, October 25, 2005

katahimikan

paminsan-minsan na lang
talaga natin nararanasan
ang tunay na katahimikan;
kailangan pa may kapalit.

ngunit kung sa katahimikan
lang nagkakaroon ng kalutasan
ang mga suliranin,
nagkakaroon ng lunas ang
mga sugat,
nagkakaroon ng malinaw na
pag-iisip at
nauunawaan ang takbo ng
damdamin,
bakit nananatiling maingay at magulo?
bakit hindi natin ibigay ang
kapalit na hinihingi ng
katahimikan.

palagi na lang bang ganito:
magulo?