Tuesday, September 20, 2005

tunggalian

agawan ng dalawa
napapagitna
hindi sigurado
laging nababagabag
hindi makakiling
dahil may maiiwan
may masasaktan
heto sa gitna
malabo
magulo.

ngunit sa huli,
kailangang pumili.

tsismis

nakakaadik.
hindi kailanman
makukuntento sa isa
lang. gusto pang
makatikim at
gagawin ang lahat
para mayroon
lang mapakinabangan.

hanggang may
masaktan at
may tamaan. para lang
makuntento ang
nananabik na
kalooban.

"o, ano na ang bagong
balita?"

heto na ang pasko

malamig
may nanginginig.
isang tinig
na nagpapahiwatig.
bulong nito
ganito...

simoy
ng hanging buntot
ng ulan.
presko at
malamig
sa balat kumakapit.

pasko na naman di ba?

Monday, September 12, 2005

three points

sa pagtira ng bola
tila kay layo sa karaniwang distansya
tahimik ang mga nakakasaksi
sa parang mabagal na
pag-arko ng bola
sa ere.

sa pagswak sa ring,
lamang na.

ang tahimik na mga saksi
ay nagkakagulo na.

Wednesday, September 07, 2005

tunay na tanong

ha?