Thursday, August 18, 2005

panibagong buhay

muling bubuhayin ito.
isisigaw sa mundo ang aking pagmamahal
sa wikang nakagisnan,
sa pamamagitan ng
panunulat
na aking nakahiligan.
kwento't tula.
anupamang akda.
pagsiwalat ng saloobin.
pagmumuni-muni.
pagninilay.
at higit sa lahat,
paghahayag ng aking
araw-araw na
pakikipagkaibigan at
pakikipagniig sa
Kanya.
dito isasabuhay.



kapiling mo, akong laging naghihintay
sa tanging tawag mo
pag-ibig kong ito
isang pananabik sa puso ko
sa'yong pagbabalik sa piling kong
puspos ng pagsuyo.

manahimik at makinig ka't maging akin muli.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home