Friday, November 25, 2005

ipit

sa gitna ng naguumpugang bato
doon na naman ako
hindi ko maintindihan
kung bakit palagi na lang
doon napapadpad.

kadalasa'y gulo
ang abot nito
ngunit hindi ko maiwasan.
masayang masakit
ang palaging naiipit.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home