Saturday, October 20, 2007

muli

kailan lang muling nasilayan
ang mga tangka
sa pagpapahayag
ng sarili.

naramdaman ang muling pagtawag
sa akin na pagbigyan
ang sarili na magpahayag
sa pamamagitan ng
mga salitang
nakaaayos sa
mala-sining na pamamaraan.

bagaman, hindi tulad ng ibang
nasulat, ang pahiwatig na ito
ay nagsisilbing pagbabalik.

sa pagsulat muli, ako'y magbabalik
at nananabik na makapagpahayag
muli.

Sunday, September 17, 2006

ulit

nakakapagod na
eto na naman...

sabi ko na nga ba!
hindi na mangyayari
kung nakinig lang.

nakakapagod na
eto na naman...

eto na naman...
eto na...
naman.

usap

usap na mailap
laging hinahanap.

pag maayos ang lahat,
laging inaaksaya.
pag gumugulo na
siyang nawawala.

kung kailan kailangan,
saka nagtatago
nagsisisi sapagkat
hindi iningatan
ang mahalagang
usap.

walang hindi nadadaan
sa matinding usapan
pero kung ang usap ay
wala na, paano maaayos pa
ni hindi nga madaanan?

Monday, July 17, 2006

tiwala

mas mabuti kung hahayaan
na lang ang mga bagay-bagay
kasi sila na mismo ang
maglalagay ng sarili sa dapat kalagyan.

hindi na kailangan alalahanin pa
ang mga bagay na wala
sa ating mga kamay.

tiwala lang ang kailangan diyan.
tiwala lang.

bago

tapos na ang mga eksenang
paulit-ulit ang kwento at
pare-pareho ang kinalalabasan.

panahon na para maiba
nang di na maulit pa.
panahon na
kasi nakakapagod na.
bago naman sana.

Monday, July 10, 2006

tsismis part two

alam mo ba...









may ikukwento ako sa'yo...









naiintriga ka noh?







tsismoso!

kontrol

karapatan ko bang
kontrolin ang buhay ng iba
at masunod ang gusto ko
para sa kanila?

hindi.

pero kung ang buhay nila
ay sadyang magulo na,

bakit hindi?

space

kahit na pinasok pa ang
masalimuot na mundo ng
pakikipagrelasyon,
ni minsan hindi ko ipinagkait
ang malayang paggalaw,
paggawa at pagsunod sa gusto.

ngunit, ang hindi ko maintindihan,
bakit lagi na lang, wala na nga akong
maibigay pero paulit-ulit na hinihingi...

"space"

siklo

ang hindi sumunod
sa dapat na pagkakasunud-sunod
ay gumugulo sa tamang siklo
ng mga pangyayari.

kaya't napagiiwanan,
napagsasamantalahan
o lalo lang nagugulumihanan.

sumunod na lang sa ikot
ng siklong nakahihilo.

Monday, July 03, 2006

wala

anong ikinababahala
at ayaw ilantad ang talagang
nagaganap?

ano pa bang masasabi
kung nakikita na ang nangyayari?

wala di ba?
wala!